editorial presiding officer
| |

[EDITORIAL] Presiding Officer Chiz Escudero, sawayin ang mga pasaway

Mukhang kailangang ipaalala sa senator-judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na ang impeachment court ay hindi teatro.

Impartiality, dignity, at decorum — ‘yan ang inaasahan ng bayan mula sa hukom.

Chiz Escudero, Sara Duterte, Impeachment hearing, Senate, Robin Padilla, Pia Cayetano, Imee Marcos

Impartial justice o walang kinikilingang hustisya ang dapat north star ng lahat ng senator-judges.

Nang nagdesisyon si Senate Presiding Officer Chiz Escudero sa hiling ng prosekusyon na isubpoena ang bank, tax, at AMLC records na may kaugnayan kay VP Duterte, sinabi ng constitutional expert at abogadong si Lulu Reyes na “legally correct, ethically and morally upright, and of course, politically timely” ang naging pagpapasya niya. Bravo!

Pero kasintalas at matuwid din ba siya pagdating sa kapwa senator-judges na kasangga niya dati sa lumang minorya — mga colleague na kabolahan, kaaregluhan, at kasuklian ng pabor? 

Kaya ba niyang banggain ang mga dating kapanalig sa ngalan ng impartial justice?

Halimbawa, si Senadora Pia Cayetano, na loud and proud sa pagiging abogada. Pero hindi pala bulletproof vest laban sa shooting oneself in the foot ang law degree. Nag-post siya ng patently, inarguably false representation of an event — at alam ng lahat na inisplice ang video dahil napanood natin ito habang nangyayari nang live. Walang sumita kay Pia, at na-take down ang video sans apology. 

To be clear, paglabag ito sa Section 38 of the Code of Professional Responsibility and Accountability, na nagbabawal sa mga abogadong magpakalat ng pekeng impormasyon.

Pero nasundan pa ‘yan. Itong si Senator-judge Imee Marcos ay nang-badger ng isang impeachment witness — si state auditor Roderick Wamil. Sabi nang mga nakasaksi sa loob ng session hall, mismong staff niya ang nagtulak sa senadora na i-cite in contempt ang witness.

Trigger-happy? May problema ba sa anger management ang staff member at ang kanyang principal? Baka naman kailangan nang maglagay ng “scream room” sa Senado? 

Sabi naman ng legal experts, walang naging asta ang witness na pasok sa legal standards para sa citation ng contemp. Sa bandang huli, pinagsabihan ni Chiz ang witness na huwag makipagtalo sa hukom, at si Wamil pa ang nag-apologize. 

Hindi kailangan ni Escudero na maging solomonic — kailangan lang niyang magsuot ng piring sa mata tulad ni Lady Justice. Huwag niyang tingnan ang kapangyarihang hawak ng isang Pia Cayetano o Imee Marcos, at magpasya siya batay sa tawag ng sitwasyon.

Presiding Officer, your Honor, kailangan mong sawayin ang pasaway at ipagtanggol ang nababambong witness.

Kailangan mong ipamukha sa bayan na talagang karapat-dapat kang maging Presiding Officer, at hindi nagkamali ang mga bumotong senador na iluklok ka sa prestihiyosong posisyon na normally reserved para sa Senate president.

Sabi ni Atty. Reyes na naging bahagi ng impeachment panel ng Rappler: “In the future, there should be minimum standards they all agree on, meaning the senators, as to how they should treat witnesses. After all, these witnesses are witnesses for the people.”

Go after the misbehaving senator-judges, Presiding Officer Chiz — whether in open session or behind closed doors. Kailangan ng impeachment court ng lideratong matatag, pantay, at hindi maiilang i-reprimand ang nagkamali.

Sa ganitong paraan, maibabalik ng Senado ang tiwala ng bayan — one small step at a time — na talaga namang sumadsad nang magkabarilan sa August halls noong May 13 at kapit-tuko sa Senate presidency ang na-depose na si Alan Peter Cayetano.

Hindi sapat na matahak ni Escudero ang patas na landas sa pagitan ng prosecution at defense — pero hands off pagdating sa “interpellation” ng mga senator-judges. 

Kailangan ng impeachment court ng referee, hindi puwedeng may mga pagkakataong bystander lamang ang presiding officer. – Rappler.com

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *